Please log in.
Login

LIBRENG Training para sa EPS workers sa Daejeon: September 2023 Forklift Operation

레야 Message
  • Views 81
  • English Forklift Truck Operator Training in Daejeon
  • Korean Forklift Truck Operator Training in Daejeon

Libreng Training para sa mga EPS workers sa Daejon: Craftsman Forklift Operation 

Paano mag Apply:
Pumunta lamang sa   https://forms.gle/wxFAQqNNpCfjKDYF6 at i fill up ang form.
 
 Application period:
Bukas ang application period hanggan maubos ang slots sa training.
Limitado lang ang slots para sa training at first come, first served po ang pag apply.
 
Mga itatalakay:
Preparasyon para sa Craftsman Forklift Operator Written Exam
 
 Sino sino ang pwedeng sumali:
Mga foreign na residente sa Daejeon na makakadalo sa 10-linggong training
※ Tanging mga estudyante lamang na makakasali ng 8 sa 10 linggong training ang makaka tanggap ng Course Participation Certificate※
 
Ang training at exam ay gaganapin in Korean, kaya kinakailangan na marunong mag Korean (TOPIK level 3 pataas) ang sasali sa training.
 
 Training Schedule:
Setyembre 9 - Nobyembre 25, 2023.
Kada Sabado 10:00-13:00 (10 linggo/*walang lecture sa Setyembre 30 at Octubre 28)
Face-to-face po gaganapin ang training sa center
 
 Lokasyon ng Training:
Daejeon Support Center for Foreign Residents
Classroom C
대전광역시 정동 10-1 (대전로 841), 2층~3층, Daejeon, 대전, South Korea
 
 Gastos/Mga kailangan ihanda:
LIBRE o wala pong bayad ang training/Wala din pong kailangan ihanda bago magsimula ang training, ibibigay ang mga kinakailangang libro sa unang araw ng training 

※Pinaapalala lang po na ang mga litrato na kukunin habang ginagawa ang training ay pwedeng gamitin para sa press release at website ng center.※

Kapag kinakailangan mag cancel or hindi na makaka dalo sa training: Maari lang po lamang   tumawag sa  042-223-0789 o mag email sa dic@dic.or.kr at least 1 linggo bago mag simula ang training date.

 

Kung may mga katanungan, maari po mag message sa facebook page ng center or tumawag sa mga contact number na nakalista sa itaas.

 

Source: Daejeon Support Center for Foreign Residents

  • 댓글이 없습니다.