Please log in.
Login

Paano i check ang inyong Kukmin o National Pension contributions in Korea

Admin+63 Message
  • Views 143

 

Ano ba ang Kukmin Yeongeum (국민연금) o National Pension?

Ito ay isang programa ng social insurance na idinisenyo upang magbigay ng pinansiyal na suporta sa mga indibidwal sa panahon ng kanilang pagreretiro. Itinatag noong 1988, ang National Pension Service (NPS) ang namamahala at nag-aadminister ng National Pension program.

 

Kontribusyon

Ang mga kontribusyon ay ginagawa ng parehong mga empleyado at mga employer (50-50). Ang mga self-employed naman na indibidwal ay mag-isang nagbabayad ng kontribusyon sa NPS.

 

Paano i-check ang inyong Kukmin Contributions (Computer)

 

 

Login and verify your identity

  • Step 1: Puntahan ang NPS website
  • Step 2: I-cllick ang "Check your Pension Status" category
  • Step 3: I-click ang "Check your Pension Status" button
  • Step 4: Malilipat kayo sa Korean page. I-click ang menu bar sa top right corner
  • Step 5: I-select ang 가입내역조회 osa unang panel
  • Step 6: Mag log-in sa inyong NPS account, maari nyong gamiting ang mga account na konectado sa inyong Resident Card. Sa kaso na to,  i-select Kakaotalk
  • Step 7: Pindutin ulit ang kakaotalk na logo
  • Step 8: I-type ang inyong Pangalan, Birthday, at Phone number
  • Step 9: I-click ang 전체동의 button para mag agree sa terms and conditions, pagkatapos ay i click ang  인증요청 button
  • Step 10: I-check ang kakaotalk sa inyong phone kung may natanggap kayong message galing sa kakao wallet, ci-click ang 인증하기 button para masimulan ang verification process.
    Kailangan i verify ang inyong identity kasi sensitibo ang impormasyon na ito at konektado ito sa inyong Resident Card.
  • Step 11: I-click ang [Required] Consent to the provision of personal information, pagkatapos ay i-click ang verify button
  • Step 12: I-type ang inyong password, pagkatapos ay i-click ng OK button para matapos ang verification process
  • Step 13: Tingnan ulit ang NPS website sa inyong computer at i click ang  인증 완료 button

Check your contributions

  • Step 1: I-click ang 가입내역조회 button para ma view ang inyong contribution history
  • Step 2: Mag scroll lang pababa para makita ang laman ng inyong contribution history
  • Nakasulat lahat ng inyong mga contribusyon sa page na ito. Kapag may kulang sa mga bayad at i kumpirma muna sa inyong kumpanya, bilang may mga kumpanya na isang bagsakan sa ilang buwan ang pag bayad ng contribution sa NPS.

 

Commonly Asked Questions
  1. Magkano ba binabayad sa Kukmin?
    Naka depende po ito sa inyong sweldo at mga bonus. Kapag ikaw ay isang empleyado sa isang kupanya, madalas ay naghahati kayo sa bayad. Freelancers and Business owners usually pay for the full amount.
  2. Paano malalaman kung magkano binabayad bawat buwan?
    Maari kayong mag request para sa inyong payslip (급여 명세서) sa inyong kumpanya.

 

Attachment 1

  • 댓글이 없습니다.