Please log in.
Login

Maari bang magturo ng Ingles ang mga Pinoy sa Korea?

Admin+63 Message
  • Views 1257

Filipino English Teachers in Korea.jpg

Ang mga ESL teachers sa Korea ay karaniwang may hawak ng E-2 visa (Foreign Language Instructor), ito ay exclusibong binibigay sa mga guro na native speaker sa ituturong lenguahe. Halimbawa, para magiging English Teacher sa Korea, kinakailangan na native speaker na nanggaling sa sumusunod na mga bansa: USA, Canada, Australia, New Zealand, South Africa, United Kingdom, o the Republic of Ireland. 

 

Ibig sabihin nito ay hindi pwede ma hire ang mga Pilipino bilang English teacher sa ilalim ng E2 visa. Pero kapag ninanais ng isang Pilipino na mag turo ng linguahe sa Korea at maka tanggap ng E-2 visa, kinakailangan na mag turo sila ng Filipino or Tagalog, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutugma ng kasanayan sa wika sa itinakdang mga kinakailangan ng visa.

 

Gayunpaman, mayroon pa ring pagkakataon para sa mga Pilipino na magturo ng Ingles sa Korea kung mayroon silang ibang uri ng visa tulad ng F-6 (Marriage Immigrant), F-2 (Long-term Resident), F-5 (Permanent Resident), o E1 (University Professor) visa. Ipinapakita nito ang kakayahang mag-adjust ng mga visa para sa mga Pilipino na nagnanais mag-ambag sa larangan ng pagtuturo ng ESL sa Korea.

 

Magkano ang kinikita ng mga English Teacher sa Korea?

Ang kita ng guro ng Ingles ay nakasalalay sa ilang mga kadahilanan: 1) ang uri ng paaralan kung saan sila nagtuturo, 2) oras ng pagtuturo, at 3) ang antas ng mga mag-aaral na kanilang itinuturo.

 

Pribadong Tutoring
Karaniwang kumukita ang English tutors ng  25,000 ~ 50,000 bawat oras depende sa pinagkasunduan sa estudyante. Halimbawa, kung sa loob ng isang cafe gagawin ang tutorial, bukod sa tutorial fee ang estudyante rin ang bahalang magbayad para sa mga inumin o snack. Maari din masama ang pamasahe sa usapan.

 

International schools
Karaniwan ay nag-aalok ng mataas na sahod ang mga international schools sa Korea, at madalas nasa pagitan ng 2.5 hanggang 5 milyong won kada buwan. Gayunpaman, kadalasang mataas din ang pamantayan o standards ng mga  kwalipikasyon ng guro sa mga paaralang ito. Karaniwan ay may mas maliit ang bilang ng mga estudyante at madalas nanggagaling sa ibat ibang background, dahil dito ay may merong kalayaan ang mga guro para customize ang curriculum.

 

Pampublikong Paaralan
Sa pampublikong mga paaralan, karaniwang umiikot ang sahod sa pagitan ng 2 hanggang 2.8 milyong won kada buwan. Karaniwan sa mga paaralan na ito na mas maayos ang iskedyul at mas mahaba ang bakasyon, at higit sa lahat ay mas maraming karagdagang benepisyo. Gayunpaman, mahalaga ring tandaan na maaaring mas mataas ang bilang ng mga estudyante, at karaniwan ay kaunti lamang ang control sa curriculum.

 

Hagwons
Ang mga baguhang English teacher ay karaniwang nagsisimula na 2 hanggang 2.5 million won ang sahod bawat buwan. Kapag mas marami naman ang iyong karanasan sa pagtuturo, maaaring tumaas ang iyong sahod sa mga 2.5 milyong won o higit pa kada buwan. Ang pagtuturo sa hagwons ay kadalasang nangangahulugan ng mas maliit ang bilang ng mga estudyante, ngunit maaaring mas maraming numero ng klase ang ituro mo. Mas kaunti din ang araw ng bakasyon, at posibleng mas gabi na nagsisimula ang klase. Sa magandang bahagi naman, mas malaking kontrol sa pag turo at  pagbuo ng kurikulum.

Attachment 1

  • 댓글이 없습니다.