Guide sa mga Job Fair sa Korea
Balak mo bang pumunta sa isang job fair sa Korea? Ang artikulong ito ay nais magiging gabay para sa mga nagnanais makahanap ng trabaho sa Korea. Ano ba ang mga kailangan asahan na mangyari, ano ang mga kailangan i handa, at iba pa. Iisahin natin ang tamang ipakitang characteristiks at mga bagay na dapat mong ihanda para sa mga interbyu. Tara, talakayin natin ang job fair scene sa Korea at siguruhing handa ka para sa tagumpay!
Kelan ba ginaganap ang mga Job Fair sa Korea?
May 2 main na Job seeking season sa Korea, ito ay ang 상반기 (first half of the year) at 하반기 (second half of the year). Ngunit ang pinakamalaking mga Job Fair sa Seoul ay ginaganap sa Agosto at Oktubre. Madalas ay pinangungunahan ito ng KOTRA o Korea Trade Investment Promotion Agency
Mga Kailangan Ihanda:
- Mag register online at signup para sa mga interview.
Maari naman mag walk-in sa event mismo, pero mas mabuti kapag mag register online at mag sign up para sa mga interview dahil limitado lang ang ibinibigay na mga slot sa bawat araw. - Magdala ng kopya ng inyong CV/Resume
Madalas ay may mga printer na pwedeng gamitin sa event hall, pero mas mabuti kapag may dala na kayong printed na mga kopya ng inyong resume o cv para iwas sa mga aberya. Mabuti din kapag may dala kayon soft copy (.doc, .pdf) ng inyong resume para kung sakali maubusan kayo ng kopya o may kailangan i edit ay pwede nyo ito magawa agad agad. Para sa mga estudyante sa Korea, mabuti rin na pumunta sa career counsilor sa inyong paaralan para pwede kayong tulungan mag edit ng inyong resume. Para sa mga hindi estudyante sa Koreat, meron ding mga consultation nagaganap sa mga Job Fair. - Look your best
Partikular ang mga Koryano sa Self-image, lalong lalo na pagdating sa mga interview. Madalas ay highly qualified din ang ibang mga kandidato kaya kailangan na maganda ang impression sa bawat aspeto ng interview. Magsuot ng professional tingnan na damit (at least isang blazer), pero wag rin kalimutan na magsuot ng komportableng sapatos dahil buong araw kayong paikot ikot sa event. Meron ding mga "Image Making" booths sa venue upang tulungan kayo i guide paano mag make up, style ng inyog buhok, at minsan kahit mga personal color consultation. - Magresearch tungkol sa mga kumpanya na gusto mong pasukan
Libo libong mga kumpanya ang dumadalo sa ganitong mga event, kaya't mas maganda kung pumili ka ng kumpanya o trabaho na talagang mahalaga sa iyo. Magresearch tungkol sa posisyon, industriya, at pati na rin sa kumpanya at kanilang mga pangangailangan. Merong booklet na ibibigay sa mga nag register sa Job fair at nilalaman nito ang basic na impormasyon tungkol sa mga kumpanya, ililista din ang mga sasali na kumpanya sa website mimso kaya pwede kayong mag research bago ang event.
Ano ang pwedeng ma expect:
- Kailangan ng good impression sa simula pa lang
Wag na wag ma late para sa interview at ugaliing ngumiti! First impressions don't necessarily last, but they do matter. Malaki ang bibigibay na halaga sa punctuality kaya't dumating ng maaga para sa interview. Di lang kwalipikasyon ang tinitingnan ng mga nag iinterview kundi kasama na rin ang "company fit" o if babagay ang kandidato sa team at sa kultura ng kumpanya. Kung maari ay ipakita nyo rin ang kakayahan nyo mag salita ng Korean para maipakita ang willingness nyo mag adjust para sa trabaho.
- Interview na gaganapin sa Korean, English, o iba pang lenguahe
Kahit na ang Job Fair na mga ito ay foreigners ang tinatarget, May pineprefer pa rin ng mga kumpanya ang kandidatong kayang makipag usap in Korean o iba pang mga lenguahe. Kung ang posisyon na inaapplyan mo ay may language requirement, asahan mo na may on the spot na test sa language. - Multiple rounds ng interviews
Madalas na mga general lang na mga tanong ang itatanong ng mga kumpanya sa mga Job Fair na ito at tinitingnan nila ang inyong personalidad at overview ng inyong mga kwalipikasyon. Kapag nagustohan ka nila ay iimbitahan ka nila pa sa ilang rounds pa ng mga interview sa kanilang opisina. Madalas na nagtatagal ng 2-3 rounds ang mga interview, pero meron ding mga kumpanya na aabot sa 5 o 7 rounds ang mga interview. - Sahod
Ang sahod ay isa sa mga pinag uusapan kapag may interview, at ang bawat bansa ay pa ibaiba ang standards. Sa Pilipinas ay madalas per month ang kwentahan ng sweldo, pero sa Korea, ang ginagamit nila na batayan ay ang yearly salary o 연봉. Paalala: Kapag ikaw ay isang estudyante na may D2 (student) or D10 (job seeking) visa at may balak magkaroon ng E7 or F2 visa, ang sweldo mo ay kailangan umabot sa mahigit 80% ng GNI para makatanggap ng visa. Ibig sabihin ay kinakailangan ng 33,600,000 won sa bawat taon (as of 2023), o 2,800,000 won sa bawat buwan. - Maglalakad at nakatayo buong araw
Wag na wag kalimutan magsuot ng kumportableng sapatos sa event! Kinakailangan ng mga aplikante na buong araaw umiikot sa mga booth, dumalo ng mga interview o di kayat paikot ikot lang para makiusyoso sa mga event. Ipinapayo na magdala ng tubig, snacks, breath mints, at hygiene kit (comb/brush, toothbrush, toothpaste, makeup, tissue paper, perfume) para mag mukhang fresh buong araw. - Freebies
Di lamang ang mga aplikante ang gusto magkaroon ng good impression, maraming pinapamigay ang mga kumpanya tulad ng tote bags, plastic folders, pens, at iba pang bagay kaya wag kalimutan na dumaan sa mga booth nila at kumuha ng mga freebie.
Common Interview questions
- Please introduce yourself
- How much do you know about the company and the product?
- Can you talk more about your experience in the field/position?
- How can you relate the product to your experiences?
- Can you talk about the product's potential market in your country?
- Can you talk about what steps we can take if we want to launch the product in your country?
- How many languages can you speak?
- What are your strengths and weaknesses?
- Have you ever worked with Koreans or in Korea before?
- What difficulties have you faced while you were in this position?
- Why should we hire you?
- What is your expected salary range?
- Do you have family in Korea?
- Are you willing to go on overseas business trips?
Please log in.