Work opportunities in Korea for Filipinos
Farming and factory work lang po ba ang pwedeng pasokan ng mga pinoy sa Korea?
Isa sa mga common na maling akala ng mga pinoy na nais pumunta sa Korea ay ng paniniwala na limitado lamang sa Farming at Factory work ang pwedeng pasokan na trabaho. Totoo man na mas maraming Pilipino ang nag tatrabaho sa mga factory at sa farm sa korea, ngunit marami ding mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibat ibang larangan. Marami ang nagtatrabaho bilang marketing at overseas sales experts, engineer o scientists, university professors, at bilang mga English teachers sa mga academy.
Base sa nilabas na data noong Setyembre 2023, nasa 62,293 Pilipinong naninirahan sa South Korea bilang long-term visa holder. 5,016 dito ay may E9 visa (Factory Workers), 1,422 ay may C4 and E8 visa (Seasonal Workers), 1,815 ang merong E7 visa (Skilled Workers), at 1,251 ang merong F2 at F5 visa (Long-term and Permanent Residents).
Paano ba mag apply sa isang office job sa Korea bilang Pilipino?
Maraming paraan upang makahanap ng trabaho sa Korea, nagdedepende na lang ito kung saan mo gusto mag simula or gaano ka tagal ang pwede mong ilaan na oras. May mga taong pinipili na mag aral muna, pagkatapos ng graduation ay naghahanap na sila ng trabaho, habang ang iba naman ay nagtratrabaho muna sa Pilipinas tapos pinapunta sa opisina na nasa Korea. Here are a few straightforward options you can consider:
Student to Professional Track
D4 (Korean Language trainee) >>> D2 (Student) >>> D10 (Job Seeker) >>> E-Series visa >>> F-2-7 (Long-term Resident) >>> F5 (Permanent Resident)
Para sa mga estudyante, maari silang magsimula sa D4 (Korean Language Trainee) or D2 (Student) visa, pagkatapos ay lilipat sa D10 (Job seeker) visa pagkatapos grumaduate. At kapag nakahanap sila ng trabaho na pwedeng mag sponsor ng visa, maari na sila lumipat sa E series na visa. Kapag naaabot nila ang kailangan na points, maari din silang diretso mag apply para sa F2 visa. Kung nakuha nila ang F2 visa, mas marami silang matatanggap na benepisyo, maari silang tumigil sa trabaho na hindi mawawala agad ang visa, at maari din sila mag apply para sa F5 (Permanent Resident) visa.
Direct Hire (Skilled Professional) - Office
E-7-1 (Skilled Professional) >>> F-2-7 (Long-term Resident) >>> F5 (Permanent Resident)
Maari din i direct hire ang mga Pilipino sa mga field tulad ng Marketing, Overseas Sales, Engineering, at iba pa. Ngunit kailangan muna nila makamit ang qualipikasyon upang makatanggap ng E-7-1 visa. Di hamak na mas madali ang proseso kapag nakapag graduate sa isang unibersidad sa Korea, ngunit maari pa rin makakuha ng E-7 visa kapag pasok sa qualipikasyon sa ibaba:
- Nakapag trabaho sa isang Fortune 500 company ng isang taon
- Kapag may mahigit sa 5 taong experience sa field na papasukan
- Kapag grumaduate sa isang top Univeristy (QS world universities top 500 or Times 200)
- Kapag may nakuhang recommendasyon galing sa isang government ministry sa korea at sumusweldo ng mahigit na 1.5 times sa GNI or average na sahod sa Korea
EPS Factory Worker to Skilled Worker
E9 (EPS) >>> E-7-3 (Skilled Worker) >>> F-2-99 (Long-term Resident)
Ang aplikante ay kailangan pumasa sa application process ng EPS workers: Mag register sa DMW, ipasa ang EPS-TOPIK, ma hire ng kumpanya sa Korea, magtrabaho sa Korea na may E9 visa. Ang EPS program ay isang GOV to GOV project kaya walang mga agency na gumagawa ng proseso.
Pagkatapos ng ilang taon at kapag sapat ang puntos ng aplikante, maaring mag-apply para sa E-7-3 visa. Ang E-7-3 visa holders ay hindi limitado sa 4 years at 10 months sa pagtatrabaho, at pwedeng mag imbita ng pamilya nila sa Korea. Pagkatapos ng pag maintain ng E-7-3 visa ng 5 taon ay maari na rin subukan ang pag apply sa F-2-99. Kapag meron nang F-2-99 visa ay may kalayaan na silang mag trabaho sa ibat ibang larangan ng trabaho kasama ang sa opisina, mag parttime work, at maari din ma imbitahan ang pamilya sa Korea at kumuha ng trabaho.
Skilled Worker (Welding)
E-7-3 (Skilled Worker) >>> F-2-99
Ang mga taong may technical skills at certifications tulad ng welding ay maaring ma direct hire sa Korea at mabigyan E-7-3 visa. Kapag na maintain nila ang visa ng 5 taon ay maari na rin silang subukan na mag apply para sa F-2-99 or Long-term Resident visa. Kapag meron nang F-2-99 visa ay may kalayaan na silang mag trabaho sa ibat ibang larangan ng trabaho kasama ang sa opisina, mag parttime work, at maari din ma imbitahan ang pamilya sa Korea at kumuha ng trabaho.
Marriage Immigrant as English Teachers or Office Workers
F-6 (Marriage Immigrant) >>> F2 or F5 Resident Visas
Ang mga Pilipino na kasal sa Koreano ay maaring pumasok sa kahit anong larangan ng trabaho sa Korea. Maari silang pumasok bilang office worker, factory worker, farm worker, at teacher sa mga hagwon.
Intra company Transfer
D7 (Intra company Transfer) >>> F-2-7 (Long-term Resident) >>> F5 (Permanent Resident)
Kapag ang pinagtatrabahoan mo na kumpanya ay gusto kang ilipat sa isang branch na nasa Korea, maari kang mag apply para sa isang D7 visa. Limitado ka lang sa pag trabaho sa kumpanyang nagpapunya sa yo sa Kora at ang sweldo at mga buwis ay madalas sa Pilipinas pinoproceso
Investor
D8 (Investor) >>>F2 or F5 (Resident)
Kapag may pera ka naman at gusto mo lang manirahan sa Korea, maari kang mag invest sa isang business sa Korea at manirahan sa Korea upang gampanan ito. Maaring lumipat sa F2 or F5 visa kapag nag qualify na dito at may kalayaan ka nang pumili ng trabahong gusto mong pasukan.
Please log in.